Wednesday, June 29, 2005
Discrimination!

Kanina nung nagta-type ako para sa Physio lab report namin, napanood ko sa Channel 7 yung Reporter's Notebook. Isa sa mga issue na ipinakita nila ay tungkol sa diskriminasyong nararanasan ng mga Pilipino sa ibang bansa partikular na sa US. Naalala ko tuloy yung nangyari sa 'kin sa MRT kanina...

Ok lang sana kung nadulas o kaya nadapa na lang ako sa MRT kanina e, imbes na maranasan kong bastusin ng isang taong hindi naman taga-dito sa bansa natin (in short, foreigner.. hehehe.. actually Amerikano ata sya). Pababa na kasi kami noon sa Shaw Blvd. Station at as usual e siksikan na naman sa MRT. Hindi naman ako (masyadong) magulo noon at hindi rin naman ako naniningit nung palabas na. Sinusundan ko lang naman yung aleng nasa unahan ko. Pero hindi ko akalain na may isang kung sinong Pontio Pilatong Amerikano na nasa likod ko na bigla na lang sasabihing bababa daw siya at kung pwede eh pababain daw muna siya (of course, in english niya sinabi yan.. hehehe), eh HaLLER!? nasa unahan niya kaya ako at bababa rin ako, di ba?? Sana siya yung naghintay! Sa akin naman wala lang yun eh, hindi nakakahiya... Pero ewan ko, feeling ko kasi na-degrade ang pagkatao ko at pakiramdam ko porke ba't Amerikano siya kelangan niyang umasta ng ganun?? Hindi ko alam kung anong dahilan niya kung bakit siya ganun... Hindi ko alam kung dahil lang nagmamadali siya at feeling nya baka hindi na siya makabababa sa sobrang dami ng tao o dahil ba sa kayumanggi ako kaya ginanon niya ko??? (yuck! paranoid! Yan ang nagagawa ng PI 100, courtesy of Prof. Esguerra.. XD)

Naiinis ako dahil wala akong ginawa... Ayoko talagang mang-away pero ayoko rin namang magpadehado.. Pero ganun pa man, tumahimik lang ako, at parang tinanggap ko na lang na bastusin niya ko...

Nakakainis! Bakit ba ganito tayong mga Pilipino? Parang ang baba ng tingin natin sa sarili natin lalo na kung ikukumpara tayo sa mga Amerikano... Ano bang meron sila?? Maputi lang naman sila, matangkad, pero di hamak na mas magaling, mas matalino at mas talentado tayong mga Pilipino! (o wala nang kokontra!) Ang hirap lang sa'tin, hindi pa rin tayo nakakaget-over with colonial mentality... Tsk tsk.. Kaawa-awa... Haay... Wala lang... Napapraning lang ako... Nakakainis lang talaga... Nakita ko pa yung The Forbidden Book (sa Reporter's Notebook) na naglalaman ng mga cartoons (mala-editorial cartoons) na nakaka-offend kung makikita ng mga Pilipino... Merong ni-represent tayo as aso na nakakagat sa pants ni Uncle Sam at iba pa as uncivilized creatures na hindi naliligo at pinaliguan lang ni Uncle Sam! Tama ba un?? Grabe!! Diskriminasyon! Mga nagmamalinis! Hmp!

Share ko lang 'tong excerpt na galing sa isang article/review tungkol dun sa book, from Emanila.

...Filipinos: the "gugus, niggers, and monkeys" of 1904

A fierce national debate ensued in the U.S. between pro- and anti-imperialists that became the subject of political campaigns and media editorials. In most publications Filipinos were presented to the American public as dark skinned savages. These portrayals were intended to project Filipinos and non-whites in general, as inferior beings within the racialized milieu of U.S. society. The imperialist cartoons appeared on the pages of Puck, Judge and Life magazines. These three were among the most influential opinion makers of their day. All three magazines employed some of the best artists of the day to draw for them. Puck and Judge were generally supportive of President McKinley. They wholeheartedly backed the U.S. war of conquest in the Philippines. In fact, at the time, Judge magazine was regarded as propaganda vehicle for the Republican party.

In these cartoons, Filipinos were portrayed as diminutive (slaves) (pickanninies) or wild beasts - images that were associated with blackness. These depictions were intended to vilify Filipinos as the enemy - much like Japanese, Vietnamese, and Arab peoples were demonized during the most recent wars. What Americans saw in pictures was reinforced by a racist language that labeled Filipinos as "gugus", "niggers", and "monkey," and by the promotional hard sell of world fairs, such as the 1904 St. Louis World Fair, that displayed Filipinos along with other native peoples from other countries as uncivilized beings.

...While many Americans led by the anti-expansionists opposed the colonial conquest of the Philippines, others argued that expansion was necessary for commerce and the capture of foreign markets for U.S. surplus products.
Senator Albert Beveridge's speech in Congress in 1900 was a rallying cry for U.S. imperialism: "The Philippines are ours forever.... And just beyond the Philippines are China's illimitable markets.... Our largest trade henceforth must be with Asia. The Pacific is our ocean.... The Philippines gives us a base at the door of all the East."

See??? Hmp! At "the Philippines are ours forever" pala ha?? UTOT!!!XD




Friday, June 24, 2005
Nangyari na ba sa'yo 'to?

Got this article from www.peyups.com... Natuwa lang ako... Hehehe...

===============
Kanya-kanyang Tanong (Kitakits sa Mcdo)
Contributed by tukneneng

“Jayson, si Vicky ‘yun ‘di ba?”

Halos malaglag ako sa kinauupuan ko nang marinig ko ang sinabi niya. Si Vicky nga ba?

“Asan?”

Hayun, naglalakad sa labas. Papalapit na nga dito eh, tumatawid na sa pedestrian lane. Teka, parang iba. Wala na ‘yung buhok niyang hanggang baywang. Boy-cut na. Ayan na, ayan na! Sabay isinubsob ko ang sarili ko sa kinakain kong french fries. Baka makita niya ako. Huwag ngayon. Huwag muna ngayon.

“O pare, bakit ka nagtatago diyan?”

“Sh*t ka, Jake…”

Teka, bakit nga ba ako nagpapakatangang nagtatago rito?

Si Vicky ang first girlfriend ko. Antagal din namin, halos apat na taon. Hanggang ngayon, ‘di ko pa rin maintindihan kung bakit ko ba naisipang pumayag na makipag-break. ‘Di ko rin inaasahan ‘yun. Parang nabasa niya ang utak ko nang tanungin niya ako kung napapagod na ba ako sa ganun. Palagi na lang kasi kaming nagtatalo, madalas puro kababawan pa. Parang ‘di niya naiintindihan. Tapos parang bata pa kung tumakbo ang utak niya. Sabagay, tatlong taon din naman ang itinanda ko sa kanya. Antigas ng ulo. Nakakairita.

Ngayon, dalawang buwan na kaming hindi nag-uusap. Walang tawagan o text man lang. Ewan ko ba, parang nagpapatigasan kami. Eh anong sasabihin ko? ‘Di ko rin alam eh. ‘Di ko alam kung paano ko sasabihing mahal ko pa rin siya.

Paano? Masyado siyang mabilis. Tingnan mo nga o, dinaanan lang kami dito.

Napatitig ako sa kawalan ng ilang minuto bago ko ibinaon ang mukha ko sa aking mga palad.

“Sh*t, Jake…”

Naramdaman kong pinisil niya ang braso ko. “Kaya mo ‘yan, pare,” ang pabiro niyang sabi.

Kaya ko ‘to.

******

Ang init naman! Sa McDo kaya ako maglunch. Para aircon. Hehe.

Ow sh*t, si Jake ‘yun ah? At mas lalong sh*t. Kasama niya si Jayson. Paano na ba ‘to, masyadong obvious kung babalik pa ako, eh nakatawid na ako. Dederetso na nga lang ako. Pasimple na lang, kunwari ‘di ko sila nakita. Basta, huwag ngayon. Huwag muna ngayon.

Teka, bakit nga ba ako nagpapakahirap na umiwas sa kanya?

Si Jayson ang unang boyfriend ko. Matagal din kami. Naging masaya naman ako sa kanya, kasi pakiramdam ko alagang-alaga talaga ako sa kanya. Ah basta, masaya lahat. Nakakalungkot nga lang na humantong kami sa ganito.

Ewan ko ba, pero napansin ko na lang na parang nagbago na siya. Parang ‘di na siya katulad ng dati na palaging siya ang umaamo sa akin kapag nag-aaway kami. ‘Yung huli nga, nasigawan pa niya ako. Sa mga sinabi niya, ang labas, para akong pasanin sa kanya na mahirap dalhin.

‘Di ko alam kung anong pumasok sa kukote ko at tinanong ko pa siya kung ayaw na niya. Basta, para kasing kahit anong gawin namin eh ‘di na talaga kami nagkakasundo. Kaya binigay ko na lang sa kanya ‘yun.

Alam ko ‘yun, ‘di naman ako manhid. Pinakawalan ko siya.

Kung sa akin lang, ‘di ko naman talaga gusto ‘yun. Pero alam kong ‘yun ang kailangan niya. ‘Yun din ang gusto niya. Kaya sige, kunwari unaffected na lang ako. ‘Di naman ako patatalo nang ganun-ganun lang ‘no. ‘Di ako nagpakita ng luha. Pinakita kong gusto ko rin ‘yun para hindi na siya mahirapan. Sa akin na lang ‘yun.

Ngayon, halos dalawang buwan na kaming ‘di nag-uusap. Walang pansinan. Eh ano pa bang sasabihin ko? Ayoko namang kainin lahat ng sinabi ko sa kanya. Ubos na ang panahon ko para gawin pa ‘yun, kumbaga sa computer game eh game over na ako. Na walang continue o try again.

Anong sasabihin ko, na mahal ko pa rin siya? Nye. Gudlak na lang sa akin kung tatamaan pa siya dun. Tingnan mo nga, parang wala na talaga siyang paki. May bago kaya siyang GF? Ewan, eh mukha na kasi siyang masaya eh. Hahayaan ko na lang siya.

Dito na nga lang ako dadaan. Teka, sige na nga, maitext nga si Jake. Mangungumusta lang. Hala sige, pindot.

Message sent.

******

“Jayson, si Vicky ‘yun ‘di ba?”

Waw. Kakaiba. Anong nangyari sa buhok nun?! Naubos ah. Parang mas mahaba na ngayon ang buhok ko sa kanya. Pero okey naman, bagay pa rin naman. Maganda pa rin siya.

“O pare, bakit ka nagtatago diyan?”

“Sh*t ka, Jake…”

Mas sh*t ka.

Akala mo ‘di ko alam kung gaano mo siya nasaktan? Jackpot ka na sa kanya eh, tapos pinakawalan mo pa. Oo, ‘di ko alam ang buong kwento ninyo, alam kong ang mga sinasabi niya sa akin ay ang mga bagay lang na gusto niyang sabihin para ang kalabasan ay hindi lang ikaw ang nasa mali. Inamin niya ang mga bagay na ‘di niya ginawa o dapat ay ginawa niya para sa’yo. Pero ang alam ko, sinaktan mo siya.

Bakit ba kasi ayaw mo siyang kausapin? Konting lunok lang naman sa pride ang kailangan mo eh. ‘Di ba sabi mo sa akin, mahal mo pa rin siya?

Teka, bakit nga ba ako nagagalit sa iyo?

Simple lang naman. Dahil kaya mong itapon nang basta-basta ang pagmamahal na kailanman ay alam kong ‘di ko makukuha.

Nagmamahal din ako. Pero pinilit kong itago, dahil alam kong walang babalik sa akin. Kasi, andiyan ka.

Nung Sabado lang nang nagpasama siya sa akin para lumabas, pinalutang ng alak ang pinakatatago ko. Ang tinangka kong nakawing halik ay kusa niyang ibinigay.

Akala ko nun ayun na, pero “sorry” daw. Sori, lasing na rin yata ako eh. Sori, mali. Sori, ‘di ko dapat ginawa ‘yun. Anak ng p*cha! Ikaw pa rin ang iniisip niya. Ikaw pa rin ang mahal niya. Ano ba naman ang laban ko sa’yo? Ano ba naman ang binatbat ko sa apat na taon ninyo?

Toot, toot. Toot, toot.

Si Vicky.

hi… nakita ko kayo sa mcdo.Ü
so, musta? eh si jays, musta nmn?Ü

“Sh*t, Jake…”

‘Di ko alam ang sasabihin ko sa iyo. Mabuti na rin sigurong huwag ko na munang ipaalam sa iyo na hanggang ngayon ay kinukumusta ka niya palagi sa akin. Sorry pare, kaibigan kita, pero ‘di ko talaga alam kung anong sasabihin ko sa iyo ngayon.

“Kaya mo ‘yan, pare,” ang pabiro kong sabi.

Ako rin, kaya ko ‘to.

===============

O, ano? Naranasan mo na ba 'to?




Thursday, June 23, 2005
Annoyed?!

My day started right... I was not late for school though I forgot that our class would start at 8:30 and not 8... Our physio class went well kaso mejo mabilis masyado maglipat ng slides si Prof. Quizon (hi ma'am! hehe!) at mejo nalate (na naman) ng konti si Francine
(hi Francine... (ala Ron's style) ^_^V)... Ok lang din naman yung anatomy class namin pati na rin yung paggawa ng CPH Juniors' Bulletin Board sa lounge... Ang kaso hindi ko alam pero pag-uwi ko ng bahay sobrang naiinis ako... Hindi ko alam kung dahil ba sa umulan (nyek! bakit??) o dahil hindi ako makakapag-uniform bukas??? hehe... Actually, ok lang naman kung umulan lang, kaso nung nasa pila na ko (na sobrang haba kung saan 1 hour ako naghintay), may makukulit na tao sa likod ko... May 2 matanda na sobra kung makadikit, eh hallerr!! ang alinsangan kaya!? sobrang kung wala lang ako breeding naku!!! natarayan ko na sila... Pero ang nakakapikon talaga e yung mama na sumunod dun sa mga matatanda... Dahil nga sa umuulan ang tendency e mag payong ka di ba? Nung nandon na ko sa may shed nung pilahan, nakapayong pa rin ako kasi umaanggi dahil sa sobrang lakas ng ulan... sa di sinasadyang pagkakataon e natamaan ko ata sya nung payong ng hindi ko namamalayan so sya parang "Miss natatamaan ako nung payong mo" ako naman, natural, e nag-sorry... Tapos nung dumating si mama inabot ko yung mga dala nya, at sa pangalawang pagkakataon e natamaan ko ulit yung mama! Biruin mo ba naman ang sabi e "Miss kanina ka pa eh!", ako naman nagulat lang ako dun sa sinabi nya kaya sbi ko "Sorry ha!" Alam kong napaka-rude ko kasi ako na yung nakatama tapos ganon pa ko mag-sorry pero kung iisipin sana sinabi nya na lang ng mas maayos.. Hindi ko naman sinasadya at isa pa hindi ko na carry yung dala ko at sobrang nangangalay na rin ako... Sana inintindi nya na lang di ba?? Kaso nagsungit pa sya e sila naman yung dikit ng dikit.. Arrggh!! kainis talaga!! Tapos pag dating ko pa dito sa bahay, walng ilaw!!! grrrrr!!! inis talaga... kaya ngayon hindi pa rin ako mapakali sa sobrang inis!!!T-T




Sunday, June 05, 2005
Disaster!

Getting up early in the morning has never been my best talent. And just this day, I came late for our supposedly 9 am-stage decorations-preparation at the PH lounge... But due to change of plans, my classmates haven't started on the decorations yet, so while the SC officers were having their meeting, the others and I we're busy chit chatting from suggestions for the decors, freebies for the freshies, etc..

I've gotten to talk with
Kris and I was surprised to know that she's having piano lessons at Yamaha, where I've been also having one. And that's not all, although I was able to read on her blog that her instructress was "scary", i didn't know that she was pertaining to Teacher Virgie, the same person who's teaching my kid sis Ruth. Funny, but I thought teacher Virgie is "gentle" on her students... only on her "younger" students lang pla... hehe.. scary.. good thing she's not my instructress... (peace Kris!^__^)

Actually my sked this day was a total disaster... I thought I could go to school early, but then I haven't.. I thought we would finish early but again, hindi pa rin... At eto ang masaklap, I was supposedly going to my best friend's house because my high school 'kada has a "get-together" c/o yours truly, but dahil nga sa hindi kami kagad natapos, hindi rin ako nakapunta... and what's worst? nagalit ata sila sa kin..
Guys, sorry.. hindi ko talaga sinasadya... Sana may next time pa...

After we've finished (not totally, kc kulang pa yung decors) working on the decors, nagpunta pa ko sa Rob Galleria. While we (
Ryan and I) were on our usual ride at the MRT, it started to rain, but only after I alight the train did I knew that it was really raining hard na sobrang hindi ko mate-take maglakad papuntang Galle... Pero dahil akala ko sobrang late na ko sa rehearsal namin for the recital the next day, sinuong ko ang pagkalakas-lakas na ulan at ang hindi ko inaasahang baha sa sidewalk (opo, sa sidewalk) ng Ortigas... Pagdating ko namn ng Galle, ay ang saya! BROWN OUT! Bwiset! Ayaw magpapasok.. Ang malas nga naman.. Buti na lang nagkaroon sandali ng ilaw kaya iyun, nakapasok din ako sa animo'y pila ng opening ng Harry Potter 3 (nyerks! Corny...) Pagdating ko sa Yamaha hindi na rin naman kami nagpractice.. hindi daw kasi stable yung dating ng electricity kaya ako, sobrang gigil na gigil dahil pagkatapos malabhan ng pantalon ko sa tubig ulan na may kasamang wiwi ng tao at daga at kung anu-ano pa, hindi rin kmi nakapagpractice! haay.. bad trip talaga...

Kaya ngayon, sobrang nilalamig pa rin ako.. SANA lang talaga, hindi ako magkasakit bukas...-_-




Friday, June 03, 2005
WeeBee!!

wEebEe!!!

Due to my hectic schedule and undeniably lazy character, i wasn't able to post an entry here for several months.. and after 10 years (wow, exag!!!) i've fin'lly fixed and edited my blog's layout!!! *round of applause*

hehe.. Yun lang.. ^__^







Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket








Powered by: Blogger
Illustration by:Wai
design by: girliebits.